aklas laban sa memorya at ang ganid na motibo nilang manggagantso
oo, sinabi kong huling paghihinagpis ko na ang entry kong geography, theater of the absurd, soundtrack at ang tula. at oo, maaaring isipin niyong binabali ko ang aking salita. ang akin lang, tapos na ang paghihinagpis dahil pinalitan na ito ng paggunita. may mga alaalang hindi kaaya-aya pero ganun talaga e--maaari naman palang balikan ang nakaraan nang kahit papaano'y pinahupa muna ang pagngingitngit.
teka, ano nga ba talaga ang alam ko sa sinasabi ko? maaari rin namang sa kasuluk-sulukan ng utak ko ito ang "mumunti kong pag-aaklas laban sa memorya." ewan ko. ang importante lang ngayon e masabi ko kung ano ang nais kong sabihin kaya tama na ang pasintabi.
mahigit isang buwan nang nakalilipas mula nang umuwi ako mula sa dumaguete pero hindi ko mapigilan ang sariling gunitain ang mga alaala nito kahit isang beses lang sa isang araw. pwedeng sabihing matinding hangover, pero palagay ko mananatili ang tamang ito hanggang malagutan na ako ng hininga. seryoso, walang stir--ngayon ko lang naintindihan bakit inaalayan ito ng tula ng mga makata, istorya ng mga kwentista at ng kung anu-ano pa. kung ano ang naging bunga ng pagpunta ko doon, masasabi kong higit pa sa isang tula (oo, tula at hindi poem). ilang taon, halos isang dekada, mula nang sineryoso ko ang sumulat ng tula. at alam kong kalakhan ng dahilan e ang pagbabago sa workshop program ng national writers workshop.
ngayong taon may mga kasama kaming amerikano mula sa creative non-fiction writing program ng university of iowa. natural, kinailangang magsalita kami ng wikang Ingles sa lahat ng oras na kasama namin sila. bigla ko tuloy napagtanto na napakaganda pala talaga ang ating wika. alam ko na yun dati pero nung tuluyan kaming napilitan na hiramin ang lenggwahe nila noon lang, noon ko lang talagang nasabi sa sarili ko na mahal na mahal ko ang wikang Filipino. maraming hindi nakakaalam na sumusulat naman talaga ako sa Filipino, puro kasi wikang Ingles ang nababasa nila sa akin. sarili ko ngang fellow at mabuting kaibigan e nagulat nang mabasa niya ang tula ko dito sa blog na 'to. isa pang dahilan upang ipagpasalamat ang blog--kahit papaano'y may medium na ako upang maglathala sa sariling wika.
***
tumatawa ako kasi ang pulitika dito sa pilipinas e talagang nakakarimarim. tumatawa ako kasi ang mga pulitiko dito sa pilipinas e talagang mga baboy (o karamihan sa kanila). tumatawa ako kasi sa nationwide tv e makikita't mababasa mo sa kanila ang ganid nilang mga motibo, na pilit nilang itatago sa ilalim ng kontekstong "para sa ikabubuti ng buong sambayanang pilipino." tumatawa ako dahil alam kong hindi nila ako maloloko. pero walang bahid ng tuwa sa pagtawa ko. mapanuya? maaari. sino ba naman ang matutuwa sa mga manggagantsong ito?
hindi ko pinangarap kahit kailan ang tumira sa ibang bansa. bumisita, magbakasyon, mag-aral oo--pero tumira? sabi ko hindi ko kaya, ni hindi ko iniiisip kahit noong kinukuha na kami ng mga tita't lola ko sa amerika. ngunit ngayong nakatutok kami sa balita at nakikitang nagkakagulo na ang kawawang pilipinas? bigla akong napaisip. dumagdag sa listahan ang pagtatrabaho doon. ayokong mawalan ng pag-asa kaya layon ko, kung saka-sakali man, e magtrabaho doon ng ilang taon upang mag-ipon at bumalik dito, nananaginip na sana pagdating ng pagbabalik ko sa pilipinas e nakaahon na ang kahabag-habag kong bansa. kahit kaunti, kahit papaano--ang importante ay may direksiyon at pagbabago.

1 Comments:
you're right. everyone's right. there are some things worth remembering about dumaguete--the sea, the almost-carless roads, the nice people. and the powerful energy of creativity that no one can possible ignore.
but, as we know now, there are some things that are best forgotten.
miss you, des. see you very soon! :-)
Post a Comment
<< Home