Walang Hanggang Paalam
Kahit kailan hindi magiging madali ang pagpili sa pagitan ng dalawang mabuting bagay. Maaring sa patas na pagtingin mas may nakalalamang at nakalalamang pa rin, pero minsan hindi pa rin yun garantiya na pagagaanin ang pasaning kaakibat ng isang desisyon. Lalo na kung makapagpabago ito ng buong buhay ng isang tao. Lalo na kung may kailangan kang lisanin para pangatawanan ang desisyong ginawa mo.
***
Eto, mga dahilan bakit hindi ako makaalis-alis nang maluwag sa loob ko:
-=ang minamahal kong mga ka-section (oo, lilima lang kami)=-
-=the afternoon session of the Super Suicide Society=-
-=da gels=-
-=christmas party!=-
-=fan photo-op with the pussycat dolls=-
-=at siyempre si jose na abot-kamay (o abot-tawid)lang [naubusan na kami ng lime pero sige pa rin kahit kalamasi na lang]=-
***
Sa kabilang dako e magkahalong saya at walang-puknat na takot ang nararamdaman ko sa pagbabagong haharapin ko sa isa o ilang buwan pang lilipas. Panahon na rin siguro na huminto sa sobrang petiks (tama nga ba ito, Kit?) at isipin ang para sa ikabubuti ng aking ahem, “kinabukasan.”
***
Eto, tayong dalawa. Ngayong palabas na ako ng pinto, makakaramdam ka’t pipigilin ang tuluyang pagpinid nito. Marahil hihinto akong muli, masinsinang mag-iisip habang ang mga paa ay nasa pagitan ng pananatili at paglaya. Pero kung ako rin lang ang tatanungin, sa palagay ko ay ito: sa huling pagkakataon, titindig na ako’t sasabihing “Hindi, tama na.” Pagkatapos ay tatawirin ko ang espasyong maglalayo sa atin, at lilingon na lamang kapag alaala na ang lahat. Eto, para sa ating dalawa—isang walang hanggang paalam.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home