Saturday, July 09, 2005

alingawngaw sa madaling araw at ang pagdating ni neil gaiman

sa 13th floor ng elj building sa abs-cbn ang kinalalagyan ng opisina ko. maraming nagtatanong kung 'di ba raw kami natatakot dahil ang nakasanayan na e walang 13th floor ang mga building. sabi ko ako hindi--masaya nga kasi madalas may mga artista rito dahil nasa 13th floor rin ang mga conference rooms, at kami na ang pinakamatarik na opisina matapos ang presidente't mga bise presidente ng kompanya sa 14th at 15th floors, kaya medyo mahaba ang panahong inaakyat ng elevator mula sa basement o ground floor papunta sa amin. mahilig kasi akong kumanta 'pag mag-isa sa elevator--yun nga lang minsan malas, nagkakataong hindi ko napapansing bubukas ang pinto along the way, at mahuhuli akong kumakanta ng walang inhibitions. matitigilan ako, at kulang na lang e sumipol to get a nonchalant effect. pero ang tunay kong nararamdaman? natatawa ako sa sarili ko at sobrang nahihiya sa kasama ko, at alam kong nahihiya rin siya sakin kasi alam niyang nahuli niya ako sa aktong hindi niya dapat nakita. naalala ko lang bigla kasi nangyari na naman sa akin yun kanina habang binabaybay ng elevator na kinasasakyan ko ang 6th floor, nung muli kong sinubok basagin ng tagong alingangaw ang madaling araw.

***
birthday nga pala ng daddy ko ngayon--pauwi na ako mula sa office, diretso sa kung saan man ang aming "luncheon celebration." good luck sa akin, sana hindi ako makatulog habang kumakain hehe=)

***
nandito na nga pala sa pilipinas si neil gaiman, at 'di ko masukat ang kasiyahan ko. ilang buwan rin akong naghintay nung malamang darating siya, dahil simula nang mabasa ko siya dati pa e talagang na-addict ako sa kanya. pero mamabutihin namin nina kit at nek na bukas na lang dumalo ng book signing niya kesa sa ngayon--alam kasi naming napakaraming taong magkakagulo sa kanya. hindi namin pipiliting makisiksik sa ga-libong katao, makapaghihintay naman kasi kami--lalo pa't alam naming worth it yung hinihintay namin. may mga ganung bagay kasi, mga bagay na hindi dapat minamadali, lalo na kung alam mong sa huli e hindi mo makukuha ang full satisfaction. teka, double meaning na ata ito. ang aga-aga para maging mapaghanap ng away, kaya pasintabi na lang kung may tatamaan. ang talagang nais ko lang naman sabihin e mahal ko si neil gaiman. amen.

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

You didn't tell me about the blouse thing--what W said. Pero...ano ba 'yan?! Weirdo talaga yun. =)

6:51 PM  
Anonymous Anonymous said...

oo nga, how could i have missed that? hehe=)

di, ang totoo niyan e nakakahiya kasi=)in fact nilalait ko nga yung sarili ko every time he'd say that=)pero siyempre, kinikilig ako deep inside hahahaha=P

3:20 AM  

Post a Comment

<< Home