Pananahimik
Sadyang astig na cinematic experience ang Dr. Mabuse: The Gambler (1922), silent film ng batikang Alemang direktor na si Fritz Lang na nilapatan ng live music nina Tots Villanueva at Buhay group. Marahil ay off ang reading ko pero pilit na umalingawngaw ang mga lecture ni Sir Lito Zulueta habang pinapanuod ko ang obrang ito. Sa malaking larawan ang sugarol ay ang media ng kasalukuyang panahon: tuso, may kapangyarihang manlinlang.
Marahil rin ay hindi iisipin ng mga kasama kong sina Gracee, Nek at Rhas na ito ang tumatakbo sa isip ko nung nanunuod kami. Paano kasi kung sinu-sinong artista’t celebrity ang nakikita naming kamukha ng mga nagsisipag-ganap kaya’t walang humpay na naman kaming nagkatawanan. Biniro ko nga si Nek, sinabi kong nag-enjoy ako sa powerhouse cast ng Dr. Mabuse. Akalain mong andun sina Anthony Hopkins, Ewan McGregor, Paul Mc Cartney at Eric Quizon?! Nandoon pa rin kaya sila sa Part II ng pelikula o magbago na ang kanilang mga hitsura?
***
Hmmm. On a sad note choosing to watch this film ruled out a “gimmick” with officemates at Ice Bar in Makati. I have to admit though that clubbing has already lost its appeal to me a long time ago so I would have made the same decision regardless.
***
Kahapon nakatanggap ang aking mga paa ng pangangamusta mula kay Anina sa text. Napatingin ako sa kanila, at tsaka ko lamang napagtanto ang sobrang pagod na dulot ng huling “family-oriented” weekend ko. Pero ayos naman kahit dumaraing ang aking mga kalamna’t kasu-kasuan—masaya naman kasi nag-enjoy ako, lalo sa pakikipag-wrestling sa mga pamangkin kong si Hanna at Caly (at dahil bata sila siyempre nagparaya ako—ergo, ako ang nabugbog hehe) at pagtuturo sa sampung buwang gulang kong pamangkin na si Gabriel ng bastardized-Bayern Munich-soccer moves. Hay, ang sarap talagang maging bata/ batang-isip nang kahit panandalian lang.
***
I just learned the sad news that Wolfmann has passed away unexpectedly. It’s been more than two years since I’ve first heard him “perform” at Mayric’s, and a vivid recollection of him working the soundboard stays with me to this day. His music caught my attention then, and I knew I was not alone in appreciation. Across me, Sugar Free’s Mitch Singson paid him the great compliment of getting a Wolfmann t-shirt.
His remains now lie at La Funeraria Paz in Manila Memorial, and I think a tribute gig was already staged for him Monday. May he rest in peace.
The Room
Mark Strand
It is an old story, the way it happens
sometimes in winter, sometimes not.
The listener falls to sleep,
the doors to the closets of his unhappiness open
and into his room the misfortunes come--
death by daybreak, death by nightfall,
their wooden wings bruising the air,
their shadows the spilled milk the world cries over.
There is a need for surprise endings;
the green field where cows burn like newsprint,
where the farmer sits and stares,
where nothing, when it happens, is never terrible enough.
***
Minsan, talagang walang ibang paraan kundi ang manahimik na lang. Hindi katulad ng pananahimik ni Wolfmann ang ibig kong sabihin (kahit totoong wala na ngang ibang paraan kung oras mo na nga)—gaano man kaaya-aya ang posibilidad na yan sa tuwinang gusto ko na lang maglaho’t hindi na makaramdam o magparamdam[1]—kundi ang pananahimik ukol sa mga bagay na wala rin namang patutunguhan ilang ulit mo mang ungkatin o pagnilayan.
Pero naisip niyo rin ba, maaari rin namang hindi last resort ang pananahimik e. Sabi nga ni Don Juan Matus sa libro ni Castaneda: with silence everything is possible (or something to that effect). Oo nga naman, di ba? Sino ba kasi ang talagang makatitiyak kapag iniharap sa katahimikan?
Ang punto, kahit hindi nagawang malinaw, e ito: desisyon pa rin ang pananahimik, katulad ng halos lahat ng bagay sa mundo. Ang hirap kasi agarang inaakala na isa itong karuwagan—nang sa katunayan may mga pagkakataong pagpapakita ito ng sagarang pagtitimpi at lakas. Lulunurin mo ang sarili sa sakit, mag-isang haharapin ang mga halimaw na nagtatago sa dilim, at pipiliting umahon sa dagat ng mga alaala.
[1] Lilinawin ko lang: Hindi po ako suicidal. Huwag magpadala sa kakayahang manlinlang ng winikang hyperbole.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home