Saturday, June 17, 2006

Bago

Ano nga ba’ng bago?

1. Si Hanna, bidang “pampangkin” sa karamihan ng mga entry ko, ay nagsimula nang pumasok sa eskwelahan.

2. Bukod sa nakasanayan ko nang isalin sa wikang Ingles may bago rin akong pinagkakaabalahan: ang pagsalin ng mga tula. Hindi ko pa alam kailan lalabas ang mga ginawa ko—yun ay kung lalabas pa nga ang mga yun—pero ayos lang kahit walang kasiguraduhan dahil naaaliw naman ako sa proseso.

3. Hindi ako makapagsulat dahil gusto ko munang magbasa. Magbasa at magbasa ulit. Pero may mga naungkat akong mga linyang napabayaan ko na, at pangako ko na babalikan ko sila sa lalong madaling panahon.

4. Kasama sa mga binasa ko ay ang mga dati kong naisulat sa blog na ito. Nakakatawa, mahigit isang taon na pala. Halatang-halata ang progression ng pagiging tamad ko over the year. Pasensya na, hahabulin ko muna si Musa. At ‘pag nahabol ko siya, gagawa na ako ng matino-tinong entry. As if.

5. Nayanig akong literal sa isang pag-aaral na kakarinig-rinig ko lang. Sa loob raw ng limang taon, isang malakas na lindol ang kikitil sa mahigit 70,000 buhay dito sa Maynila. Sana sa pagkakataong ito nagkamali lang sila.

6. Tag-ulan na naman.

7. Ang Tool may bagong album: 10, 000 days. Maaaring mapasaiyo sa halagang P1500—yun ay kung maunahan mo lahat ng nagkakandarapa sa mga kopya nito (kasi naman may nagpa-reserve na 30 katao tapos 10 lang yung in-order ng Tower sa Makati, tsk tsk). Tulad ng dati may gimik na naman ang album packaging. At may kyut na picture si Maynard James Keenan dito. (Calling Miss Peachy Paderna!) Bukod pa dyan may world tour rin pala sila. Sa Asya parang Japan at Korea pa lang ang sigurado akong kabilang sa itineraries nila. Kung wala lang hassle dadayuhin ko sana si Kit sa Korea para isabuhay ang aming lifelong dream: ang manuod ng Tool concert nang magkasama.

8. Pero may isang gameplan naman ang malapit ko nang maisasakatuparan: ang mag-aral ng gitara sa Unibersidad ng Pilipinas. Nung una akong pumasok sa College of Music doon para akong iniligaw sa ibang mundo—bigla akong nakalimot dahil sa sari-saring tunog na narinig ko. To boot, si Mister Barney Fojas ang magiging instructor ko. Excitedness.

9. Marami akong nami-miss, at malamang kasama ka na rin dun.

10. May nakita akong multo (by multo hindi literal ang ibig sabihin ko ha) ilang araw na ang nakalipas at napagtanto ko na ang hirap pala talagang makalimot.

11. Kasi sabi nga ni Cicero: “Nothing stands out so conspicuously, or remains so firmly fixed in the memory, as something which you have blundered.”

12. Panawagan sa lahat: Mom Edith Tiempo is coming to Manila on the 22nd. She’s going to receive the Gatpuno Award conferred by the City of Manila. Dumaguete fellows are invited to a dinner at Penguin in Malate 8 p.m. onwards.

Again, excitedness. Let's all go!:-)

13. Dahil ika nga e save the best for last; alam kong bordering on meanness pero this almost gave me an asthma attack from laughing so hard: http://www.youtube.com/watch?v=leW9nn8ZCAM

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

oips, tanggalin mong name ko in this entry, napi-ping na naman ako sa google.

7:40 AM  
Anonymous Anonymous said...

hehe, ever the paranoid one.aye!:-)
by the way, my first class with barney starts this friday. i'm so excited!:-)

2:32 AM  

Post a Comment

<< Home